CHEERS

the (mis)adventures of a then alcoholic

THE (then) ALCOHOLIC

alcoholism refers to any condition that results in the continued consumption of alcoholic beverages despite the health problems and negative social consequences it causes.

THE DRUNKARDS

tashana + idol unkyel batjay + zinzi-tet + roan + miss ynseng +

NATURAL HIGH

multi-fly + Luis Teodoro + Gil Nartea + Howie Severino + Ellen Tordesillas + link + link + link +

ARCHIVES

August 2004
September 2004
October 2004
November 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
January 2006
February 2006
March 2006
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008

PREVIOUS POSTS

i wanna take you away
sentenaryo
sobering up
your song.....
behold......the dreamer
irresponsible!
hindi rin...**
letting go...moving on...
bagong mukha
near death experience

CHITCHAT


ETCETERA

anything here

THANKS

[ Fonts (c) DF]
[ Layout designed by fern*]

Thursday, January 24, 2008

of expensive sh*t and realizations

nakibahagi ako sa Alternative Classroom Learning Experience(ACLE) ng League of Filipino Students(LFS) at Union of Journalists of the Philippines-UP (UJP-UP) kanina. ang ACLE nila ay pinamagatang "UP for Grabs". inilahad nila ang kalagayan daw ng edukasyon sa bansa lalo na sa UP. kung paanong unti-unti nang tinitibag ng komersyalisasyon ang premyadong unibersidad, kung paanong lalong pinapahirap ng mga naghaharing-uri ang kalagayan ng mga hindi nakakaalwan at kung paano ginigipit ng mga nasa administrasyon ang mga estudyanteng dapat ay una sa mga prayoridad nito.hindi ko na palalawigin pa ang usapin na yan dahil hindi naman iyan ang nakakuha ng atensyon ko kanina.

ayon kay Terry Redon na UP Student Regent, ang tanging boses ng mga kapwa ko mag-aaral kapag may pulong ang mga bwakanang mayayaman na inappoint ng administrasyon sa Board of Regents, tumataginting na 3. something million daw ang ginastos sa pakingsyet na fireworks display noong kick-off celebration. anak ng pating!tumataginting na milyong pera ng sambayanan ang ginamit don?o sige, ipagpalagay na totoo ang press release na hindi galing sa kaban ng UP yun at sponsored by some loving fraternity. eh kahit na ba!milyon yun men!laksang tao na ang mapapalamon non at ilang student hubs/facilities na rin ang mabibigay nun.syet talaga!ayan, talk about priorities.

sa mahal ng matrikula sa kahit saang unibersidad na nangangako ng "quality education", gusto ko sana na sa UP na "lang?" din mag-aral ang kapatid ko kahit na hindi sya nag-UPCAT. dahil sabi nga niya, hindi naman daw siya papasa.ewan ko ba!sambakol na tanga talaga yang kapatid ko.eh di syempre hindi nya nalaman yung kalidad ng kukote nya dahil hindi man lang nya sinubukan.tapos, naghanap ako ng mga paraan para makapasok siya kung saka-sakali.bilang talent sa sports lang naman ang tanging bagay na masasabi kong sagana ang pamilya namin, eh kinausap ko yung isang varsity ng tennis team at baka pwedeng maka-back door entry siya. but no!si kapatid na nasa talampakan ata ang sense ng pagkatao ay ayaw.kasi daw baka ma-reject lang siya.another bwakanang syet moment.


pero naisip ko........

isang beses sa lifetime ng isang tao lang dumadaan ang sentenaryo ng isang unibersidad.patay na lahat ng nakasaksi sa centennial kick-off sa susunod na kaparehong pagdiriwang. hindi mo rin naman matutumbasan ng salapi ang galak sa mukha ng mga tao pagkatapos masilayan ang fireworks display na yun.sige admin, pinapatawad na kita.

ayaw ng kapatid kong ma-reject. siguro dahil masyado siyang sheltered sa aming pamilya.hindi siya sanay na pangit ang kinahihinatnan ng mga bagay.siguro dahil ayaw niyang ibang tao ang magsabi sa kanya sa kung anong klaseng tao siya - kung ano ang kaya at hindi niya kaya. siguro ayaw niyang mag-risk dahil baka hindi niya kayanin ang kalalabasan.baka "it's better to be safe than sorry" ang motto niya. sige na nga kapatid, pinapatawad na din kita. :D

Labels: ,