
bumaha ng tao kahapon sa unibersidad bilang panimula ng selebrasyon ng sentenaryo ng Unibersidad ng Pilipinas. sabi ni Sir Andy Sevilla, iyon daw ang pinaka-well attended na UP affair na nakita niya sa pamamalagi niya dito.
totoo namang andaming tao.dumagsa ang mga taga-ibang yunit ng UP System, mga personalidad at mga nakikiusyoso. oo, naroon ang kung sinu-sinong diyos daw ng kanilang mga propesyon.maraming naganap kahapon, mula sa pagkahaba-habang motorcade, pagbaba mula sa kalawakan ng sky jumpers, nakakabagot pero nakakatindig balahibong pag-iilaw ng 100 torch bearers, konsyerto sa likod ng quezon hall at magarbong fireworks display.
laksang kayamanan din siguro ang nagugol dito. hindi naman sa KJ ako at ayaw ko ng ganitong mga eksena pero kung ikukumpara sa kalagayan ng edukasyon at pagpupunyagi ng unibersidad noon ang kalagayan nito sa kanyang sentenaryo ay hindi yata karapat-dapat ang ganito kagarbong selebrasyon. biro nga ng nakararami na maaaring dito napunta ang 300% tuition and other fee increase imbes na sa mga pasilidad. sana kung gaano kaalab ang apoy na sinindihan kagabi sana ganoon pa rin ang esensya na pangalang UP.
maingay kami ng aking mga kaibigan habang nanonood.kung anu-anong komento ang ibinabato namin sa ere. isa na dito ang joke tungkol sa aming mga overstaying na sa pagiging Iskolar ng Bayan. sabi nga ng kanta para sa sentenaryo, unibersidad ng aming buhay. oo, hindi ko na nga ma-imagine ang buhay ko outside of UP. masyado ko na itong mahal, ayoko nang magtapos.haha
wala nang pinatutunguhan ang aking sulatin.sabog-sabog ang kaisipan. pero mahal ko ang UP, masarap isiping intelektwal ka dahil sa UP ka nag-aaral kahit minsan ay wala namang katotohanan, at sa kalakuyan ay bumababa ang kalidad ng edukasyon sa unibersidad.
Labels: sentenaryo, UP
*** random thougths @
1:14 AM