CHEERS

the (mis)adventures of a then alcoholic

THE (then) ALCOHOLIC

alcoholism refers to any condition that results in the continued consumption of alcoholic beverages despite the health problems and negative social consequences it causes.

THE DRUNKARDS

tashana + idol unkyel batjay + zinzi-tet + roan + miss ynseng +

NATURAL HIGH

multi-fly + Luis Teodoro + Gil Nartea + Howie Severino + Ellen Tordesillas + link + link + link +

ARCHIVES

August 2004
September 2004
October 2004
November 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
January 2006
February 2006
March 2006
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008

PREVIOUS POSTS

to the most intelligent prof on earth.
sa iyo
devirginizing slurpee
sobering up my big fat *ss
of expensive sh*t and realizations
i wanna take you away
sentenaryo
sobering up
your song.....
behold......the dreamer

CHITCHAT


ETCETERA

anything here

THANKS

[ Fonts (c) DF]
[ Layout designed by fern*]

Thursday, October 14, 2004

uwian na........

it's nice to be a friend...lalo na kapag tinutrust ka...kapag nagsasabi sayo ng sama ng loob, sikreto....parang feeling mo napakahalaga mong tao....yung iba nga namimilit pa na magconfide ka sa kanila...sobrang blessed ko talaga kasi i have friends na nagtitiwala sa akin...ang dami kong sikretong hinahawakan...paano kaya pag nakagalit ko sila?paani kung sa laki ng galit ko eh ikalat ko yun?sana naman 'wag dumating sa point na yun...

wala na itong koneksyon pero tinatamad na naman ako...uuwi na kasi ako bukas....
dapat nag-aayos na ako ng gamit...
marami-raming kalat din ito...
pero heto....
gusto ko lang magsulat bago umuwi...

Wednesday, October 13, 2004

u made my life worth living!

feeling ko mamamatay na ako...
kanina nung nagsasagot ako ng sarbey sa friendster parang puro tungkol sa family at kamatayan yung sinasagot ko...
kinakabahan na nga ako eh...
pa'no kung pag natulog ako e hindi na ako magising?
pa'no kung bangungutin ako??
ano pa bang ibang paraan na pwedeng mamatay ang isang tao ngayon?
di naman pwedeng tumalon ako sa rooftop...
maglaslas, kasi suicide yung mga yun.....


tapos bigla ko na lang naisip na i-post ito....
naisip ko kasi na pag namatay ako, at least alam nyo yung mga bagay na nasa utak ko bago ako mamatay....

sobrang blessed ko...
sa pamilyang pinagmulan ko....
mga kaibigan....
at lahat na...

sobrang galing ni God nung finormulate nya yung buhay ko....
tinatamad na ako....
basta kahit ano man yung mangyari.....
gusto ko lang sabihin na....
SALAMAT!!!all of you made my life worth living.......

Monday, October 11, 2004

angas.....

gusto ko nang baguhin ang buhay ko....
LANGYA!!!it took me and my family 17 years to build a "what i think" good person but it only required a sem to take my world upside down..."meaning" sa palagay ko, kung makikita ako ng pamilya, kaibigan,kaklase,mga tao sa probinsyang pinaggalingan ko,di na nila ako makikilala...siguro yung pamilya ko ikahihiya na ako!!iba na kasi si "AKO"......hindi na nakalaan ang bawat kilos sa sasabihin ng ibang tao, maayos ang acads, walang bisyo, naniniwala sa pananampalatayang kinamulatan....isang ipinanganak na lider!!! pero ano na ba ako ngayon?? wild, loud, hindi ang tipikal na babae (bakla daw ako sabi nila), nagpapanggap na malaya...............
sa mainit na paningin ng mga taong nakakakilala sa akin, sa pagdidisiplina ng mga magulang....sa mga bawal.

eh ano na ba ako ngaun?masaya ba ako? sa isang banda, OO!!! pero paano ang kinabukasan ko kung parati akong ganito?sayang naman ang perang winawaldas ko na pinaghirapan ng mga magulang ko!!!LANGYA talaga!!bakit ganon?alam ko naman ang mga kamalian ko!!pero kailangan ko ng milagro para magawa ang mga bagay sa isip ko!



ANGAS TALAGA!!!!!

hindi ko kaya....

feeling ko bagsak na naman ako sa exam kanina...parati na lang...manhid na ako sa mga bumabagsak kong exams,quizzes,recitations at isama na rin ang mga unpreparewd reports...sobrang kapal na nga ng mukha ko ngayon...di na 'ko nahihiya kahit na mautal ako at di makapagsalita sa harap o kung makita man ng klasmeyts ko na bokya ang score ko...hindi ko na mahanap kung nasaan c vingaye nung hayskuyl na masyadong concious sa grades........sa sasabihin ng ibang tao...wala na...parte na ata sya ng buhay na dati kong ginagalawan...kahit makita ako ng ibang tao na kung anu-ano yung ginagawa ko....wala kong pakialam.....sino ba sila??sila ba ang nagpapakain sa'kin??

pero minsan naiisip ko rin na kilala ko pa ba yung sarili ko??ako pa ba ito??

ayokong bumagsak!!!!!!!!

Thursday, October 07, 2004

inaantok ako....

matagal-tagal na ring di ako nagpo-post.....
ngaun na nga lang ulit ako nag-internet ng medyo matagal......
ang dami kasing ginagawa.....
sa totoo lang ayoko pa matapos yung sem....
ang daming kelangang gawin....

gusto ko nang mag-shift
pero ayoko....

ano ba??!!!
bakit walang pumapasok sa utak ko??
di ako makapagsulat nang maayos...
wala nang sense 'tong ginagawa ko.....
pero gusto ko pa rin magsulat...

hinihintay ko SYA....
may usapan kaming magkikita...
9:04 na ng gabi.....
may class pa daw SYa at di pa dinidismiss...
kahit kelangan ko ng pumunta sa bahay nina Saj...
kelangan ko rin naman SYAng hintayin....
nakakahiya naman.....
di pa SYA nagrereply sa huling text ko....
sabi ko nga pag nainip ako iiwan ko SYA....

hay naku non-sense na ang sinusulat mo.....
tumigil ka na....
bumaba ka na sa lobby...
dun mo na lang SYA hintayin................