CHEERS

the (mis)adventures of a then alcoholic

THE (then) ALCOHOLIC

alcoholism refers to any condition that results in the continued consumption of alcoholic beverages despite the health problems and negative social consequences it causes.

THE DRUNKARDS

tashana + idol unkyel batjay + zinzi-tet + roan + miss ynseng +

NATURAL HIGH

multi-fly + Luis Teodoro + Gil Nartea + Howie Severino + Ellen Tordesillas + link + link + link +

ARCHIVES

August 2004
September 2004
October 2004
November 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
January 2006
February 2006
March 2006
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008

PREVIOUS POSTS

to the most intelligent prof on earth.
sa iyo
devirginizing slurpee
sobering up my big fat *ss
of expensive sh*t and realizations
i wanna take you away
sentenaryo
sobering up
your song.....
behold......the dreamer

CHITCHAT


ETCETERA

anything here

THANKS

[ Fonts (c) DF]
[ Layout designed by fern*]

Saturday, March 12, 2005

ang pamilya kong baliw


ang pamilyakong baliw
Originally uploaded by bunggay.
ang pamilya ko.sila ang pinakamaganda at pinakaimportanteng biyaya ng Diyos sa akin.kung mabubuhay man akong muli,silapa rin ang nais kong kilalaning pamilya.hindi mahihigitan ng lahatng yaman at kaginhawahan sa buhay ang pagiging isang Pizarro.

alas cinco veinte seis ng umaga.
kung ganoon lang sana kadaling umuwi.
namimiss ko na ang pamilya ko...
hay!

Friday, March 11, 2005

sulat

josh,

ito ang mga salitang hindi ko masabi.mga katagang malaon nang inaral at patuloy na ineensayo sa aking utak.upang sa panahong magkakilala at nawa'y maging malapit sa isa't isa, alam ko na kung paano sisimulan at patatakbuhin ang pag-uusap kahit naiisip ko na siguro ay ikaw lang ang nagsasalita, ako'y nakamasid lamang at ninanamnam ang bawat sandaling kapiling ka.matagal-tagal na rin akong binabagabag ng damdaming ito.nakilala kita hindi dahil sa iyong kaguwapuhan,angking talino,galing sa paglalaro, at iba pang mga katangian na marahil nakapagpabighani sa ibang babae.nakilala kita sapagkat mayabang ka.oo!naiinis ako sa iyo sa kung paano mo na lang bastusin ang ibang tao at kung paano mo ipakita sa iba na malakas ka at walang ibang taong pwedeng pumantay sayo.asar na asar pa nga ako sayo noon.hinihintay ko ang bawat pagkakataon na hindi mo maipapasok ang bola,na pangit ang palo mo,matalo kayo at makitang laglag ang balikat na lalakad palayo.nakikita rin kitang humahagis ng kung ano sa isang malawak na lupain na sa nagdaang dalawang taon ay aking naging kanlungan--sa gitna ng sakit,hirap at maging kaligayahan.hindi mo siguro napapansin na ako'y nasa tabi at pinapanood ka,tinitingnan ang bawat galaw na may ismid sa labi.sinasabing ang laki mong hangal!subalit nagbago ang lahat ng isang gabi na tiningnan mo ako at nagkasalubong ang ating mga mata ng hindi inaasahan. mula noon iba na ang ibig sabihin ng mga panakaw na sulyap na ibinabato ko sayo.oo,mayabang ka pa rin!subalit sa kabila noon ay nakikita ko ang ibang mga katangian mong lalong nakapagpapahulog sa akin.alam mo bang kasama ka sa bawat pagkahimbing ko?siguro iyon ay dahil doon lang kita nakakapiling.matatapos na ang taon.maaaring muli tayong magkita sa isang sulok ng unibersidad ng di inaasahan,ngunit ang hindi na kita masilayan ang ayokong asamin at nawa'y hindi mangyari.
sa huli ay pasasalamat. kahit na hindi man kita makilala o makasama,higit ang pagtanaw ko ng utang na loob.sapagkat magkagayon man,ipinadama mo sa akin ang isang damdamin na hindi ko inaasahan.ako'y iyong tagahanga.hindi dahil sa iyong kagalingan kundi dahil sa kung anong klaseng tao ka. sa loob at labas ng kort. makikita mo pa rin akong sumusulyap at pinapanood ang iyong bawat laro (ichi-cheer ko parin ang kalaban at aasarin ka.)salamat!

Wednesday, March 09, 2005

obernayt!

alas-dos cincuenta y tres ng umaga.narito ako sa bahay nina jupel at ajin sa katipunan.tulog na silang lahat.
jervin-nakabaluktot at suot pa rin ang orange shirt nya.
ajin-andun sa taas at nahihimbing.
angie-poised pa rin kahit tulog.
jupel-aba!at tinulugan ako!hoy may paper ka pa!

recap lang ng mga nangyari kanina....

2am:pinilt kong makatulog subalit nagising na't lahat ang rum8 ko ng alas-otso ay mababaw pa rin ang naging tulog ko.
7:30am:nag-alarm si celefono....may formal interview sa lagoon
(naisip kong maaga pa kaya tulog ulit)
8:40:nakakahiya na sa kanila.kaya kahit bangag pa,sige go na!
12:45pm: nakadalawang batch na ng nainterbyu at nagugutom na ako...walang kwenta ang F.I.hehe
2pm:kumain na kami sa wakas ng lunch nina francine,tep at gerfi sa KATAG!
3:30pm:may i text si classmate para itanong kung tuloy ang talk ng aming propesora...buti na lang hindi....

bunggay:tinatamad na!sa sususnod na lang ang karugtong!gud umaga!
JUUUUUPPPEEELLLLL!gising na!

nyuknyak!

ang korni ng blog ko!

Sunday, March 06, 2005

sarah's anyone?

room 103,yakal residence hall,6:30am
nakatulog ako na may luhang naglalandas sa matambok kong pisngi at sipong nanunuyo sa aking ilong.at sa aking pagising ay hindi ako makamulat at makahinga dahil sa kulangot at luhang natuyo na.

sa ilalim ng puno,track oval,4:30pm
bumalik ang lungkot dahil sa text ni ina at pangungumusta ni kuya.
isa akong malaking depresyon at kabiguan.
unti-unti ko na namang naramdaman ang init ng mga luhang nag-uunahang pumatak mula sa aking mga mata.
manhid ako.walang pakialam sa mga taong dumadaan at tumitingin sa kawawang ako na mag-isa't umiiyak.
iyak.hithit.tingin sa malayo.buga.
iyak.hithit.tingin sa malayo.buga at patuloy na pag-ulit ng proseso.
matapos ang pagbalong ng luha,ilang istik ng yosi at text mula sa mga taong nagmamahal.okay na ako.kailangan ko nang bumalik at gumagabi na.


tara.....sarah's tayo!

kaibigan lang pala.....

maraming naiinggit sa'kin kasi marami daw akong kaibigan.marami akong kabaitan saang sulok mo man ako ilagay.akala ko din.pero kanina,disyerto pala ako kapag kaibigan ang pinag-uusapan.tuyot pala at hindi pa siguro hihigit sa lima ang masasabi kong tunay.yung iba, andyan lang pag may gimik,inom,yosi,kasiyahan.pero sa panahon ng kahungkagan at kalungkutan.isa-isa mong makikita ang kanilang mga intensyon at pakahulugan sa salitang kaibigan.

so much for the damn friendship!



buddy,
salamat sa mga payo kahit sa text lang.ingatan mo ang sarili mo.mahal kita!

Saturday, March 05, 2005

at ako'y nahimbing......

kailangan ko ng nikotina at caffeine--mga mineral na parati kong kaulayaw.upang sa gitna ng kadiliman ay manatiling bukas ang talukap ng aking mga mata.

subalit nitong mga huling araw, simula ng biglang mag-iba ang pagtingin ko sayo, animo'y parating nanunukso ang aking kama upang ako'y humilata at matulog.sa pagpikit ng aking hindi inaantok na mga mata ay dinadala ako nito sa ibang dimensyon.doon kapiling kita.nahahawakan.hindi katulad sa realidad na malapit subalit ni dulo ng aking daliri ay hindi ko maidantay sa iyong katawan.

nais ko nang muling matulog.managinip.upang muli ikaw ay malapitan,mahawakan,mayakap at mahagkan........




kahit sa panaginip lang!