alas-dos cincuenta y tres ng umaga.narito ako sa bahay nina jupel at ajin sa katipunan.tulog na silang lahat.
jervin-nakabaluktot at suot pa rin ang orange shirt nya.
ajin-andun sa taas at nahihimbing.
angie-poised pa rin kahit tulog.
jupel-aba!at tinulugan ako!hoy may paper ka pa!
recap lang ng mga nangyari kanina....
2am:pinilt kong makatulog subalit nagising na't lahat ang rum8 ko ng alas-otso ay mababaw pa rin ang naging tulog ko.
7:30am:nag-alarm si celefono....may formal interview sa lagoon
(naisip kong maaga pa kaya tulog ulit)
8:40:nakakahiya na sa kanila.kaya kahit bangag pa,sige go na!
12:45pm: nakadalawang batch na ng nainterbyu at nagugutom na ako...walang kwenta ang F.I.hehe
2pm:kumain na kami sa wakas ng lunch nina francine,tep at gerfi sa KATAG!
3:30pm:may i text si classmate para itanong kung tuloy ang talk ng aming propesora...buti na lang hindi....
bunggay:tinatamad na!sa sususnod na lang ang karugtong!gud umaga!
JUUUUUPPPEEELLLLL!gising na!
*** random thougths @
10:53 AM

ang korni ng blog ko!
*** random thougths @
10:51 AM
Sunday, March 06, 2005
room 103,yakal residence hall,6:30amnakatulog ako na may luhang naglalandas sa matambok kong pisngi at sipong nanunuyo sa aking ilong.at sa aking pagising ay hindi ako makamulat at makahinga dahil sa kulangot at luhang natuyo na.sa ilalim ng puno,track oval,4:30pmbumalik ang lungkot dahil sa text ni ina at pangungumusta ni kuya.isa akong malaking depresyon at kabiguan.unti-unti ko na namang naramdaman ang init ng mga luhang nag-uunahang pumatak mula sa aking mga mata.manhid ako.walang pakialam sa mga taong dumadaan at tumitingin sa kawawang ako na mag-isa't umiiyak.iyak.hithit.tingin sa malayo.buga.iyak.hithit.tingin sa malayo.buga at patuloy na pag-ulit ng proseso.matapos ang pagbalong ng luha,ilang istik ng yosi at text mula sa mga taong nagmamahal.okay na ako.kailangan ko nang bumalik at gumagabi na.tara.....sarah's tayo!
*** random thougths @
11:48 PM

maraming naiinggit sa'kin kasi marami daw akong kaibigan.marami akong kabaitan saang sulok mo man ako ilagay.akala ko din.pero kanina,disyerto pala ako kapag kaibigan ang pinag-uusapan.tuyot pala at hindi pa siguro hihigit sa lima ang masasabi kong tunay.yung iba, andyan lang pag may gimik,inom,yosi,kasiyahan.pero sa panahon ng kahungkagan at kalungkutan.isa-isa mong makikita ang kanilang mga intensyon at pakahulugan sa salitang kaibigan.
so much for the damn friendship!
buddy,
salamat sa mga payo kahit sa text lang.ingatan mo ang sarili mo.mahal kita!
*** random thougths @
7:30 AM
Saturday, March 05, 2005
kailangan ko ng nikotina at caffeine--mga mineral na parati kong kaulayaw.upang sa gitna ng kadiliman ay manatiling bukas ang talukap ng aking mga mata.
subalit nitong mga huling araw, simula ng biglang mag-iba ang pagtingin ko sayo, animo'y parating nanunukso ang aking kama upang ako'y humilata at matulog.sa pagpikit ng aking hindi inaantok na mga mata ay dinadala ako nito sa ibang dimensyon.doon kapiling kita.nahahawakan.hindi katulad sa realidad na malapit subalit ni dulo ng aking daliri ay hindi ko maidantay sa iyong katawan.
nais ko nang muling matulog.managinip.upang muli ikaw ay malapitan,mahawakan,mayakap at mahagkan........
kahit sa panaginip lang!
*** random thougths @
11:26 AM