ang tagal kong pinag-isipan ng title nito.nagsisimula na akong magsulat eh wala pa ring pamagat. hindi ko tuloy alam kung saan ito pupunta. sabi nga ng thesis adviser ni zinzi, dapat daw na may
titulo na ang kanyang thesis kasi it gives it some direction.ibig daw sabihin zinzi, wala pang direksyon ang thesis mo.hahaha.choba lang.
oh well, hindi tungkol kay zinzi at sa thesis niya ang post na ito. bakit naman ako susulat ng tungkol sa kanya?birthday ba niya?hehe.
sumasambulat sa tenga ko ang bass ng kanta ni Rihanna na "please don't stop the music". marahil dahil ito sa paglabas ko kagabi. pumunta kami ng mga kaibigan ko sa Embassy, Bonifacio Global City. may katagalan na ring "it's the place to be" ng mga sosyal at pasosyal. magkukuyugan kayo sa kakarampot na espasyo, sasayaw na parang high para masabing nag-eenjoy at tatayo sa gitna o sa tabi kung pagod na. habang nakatayo ako doon, yumuyugyog ng kaunti sa saliw ng tugtog na trans eh naisip ko kung bakit nga ba ako nandun? medyo matagal tagal na rin nang huli akong nag-enjoy sa isang lugar na tulad ng Embassy. hindi ko na kasi makita yung punto ng pagpunta sa ganong lugar.pwede naman akong sumayaw sa bahay.haha.
ayoko na ring magpakalango. at syempre, hindi mo rin alam kung anong mga klase ng tao ang makikilala mo.akala monga kung sino na mula sa mga kagalng-galang na pamilya pero hindi din.panay pagbabalat-kayo ang makikita mo sa loob.mula sa mga suot, sa iniinom, sa pagtawa at pakikipaglapit sa mga kakikilala pa lamang. at pagsapit ng pagsasara ng establisimyento ay babalik ka sa iyong kanlungan upang tanggalin ang costume na ipinarada.
"please don't stop the music" pa rin ang naririnig ko at naglalaro sa isip ko ang tanong na kailan kaya ulit ako mag-eenjoy sa mga lugar na tulad ng Embassy? hilig ko ang pagsayaw pero pinipigilan na ako ng mga mas mahahalagang bagay na mahumaling sa mga ganitong kapritso.
kaisa ako ni rihanna sa hiling na sana hindi matapos ang tugtog.nais ko pa ring sumayaw at magpakasaya kasama ang aking mga kaibigan.
please Lord, ayokong maging manang.
choba!
Labels: parteeeh
*** random thougths @
5:10 AM
Wednesday, January 09, 2008

bumaha ng tao kahapon sa unibersidad bilang panimula ng selebrasyon ng sentenaryo ng Unibersidad ng Pilipinas. sabi ni Sir Andy Sevilla, iyon daw ang pinaka-well attended na UP affair na nakita niya sa pamamalagi niya dito.
totoo namang andaming tao.dumagsa ang mga taga-ibang yunit ng UP System, mga personalidad at mga nakikiusyoso. oo, naroon ang kung sinu-sinong diyos daw ng kanilang mga propesyon.maraming naganap kahapon, mula sa pagkahaba-habang motorcade, pagbaba mula sa kalawakan ng sky jumpers, nakakabagot pero nakakatindig balahibong pag-iilaw ng 100 torch bearers, konsyerto sa likod ng quezon hall at magarbong fireworks display.
laksang kayamanan din siguro ang nagugol dito. hindi naman sa KJ ako at ayaw ko ng ganitong mga eksena pero kung ikukumpara sa kalagayan ng edukasyon at pagpupunyagi ng unibersidad noon ang kalagayan nito sa kanyang sentenaryo ay hindi yata karapat-dapat ang ganito kagarbong selebrasyon. biro nga ng nakararami na maaaring dito napunta ang 300% tuition and other fee increase imbes na sa mga pasilidad. sana kung gaano kaalab ang apoy na sinindihan kagabi sana ganoon pa rin ang esensya na pangalang UP.
maingay kami ng aking mga kaibigan habang nanonood.kung anu-anong komento ang ibinabato namin sa ere. isa na dito ang joke tungkol sa aming mga overstaying na sa pagiging Iskolar ng Bayan. sabi nga ng kanta para sa sentenaryo, unibersidad ng aming buhay. oo, hindi ko na nga ma-imagine ang buhay ko outside of UP. masyado ko na itong mahal, ayoko nang magtapos.haha
wala nang pinatutunguhan ang aking sulatin.sabog-sabog ang kaisipan. pero mahal ko ang UP, masarap isiping intelektwal ka dahil sa UP ka nag-aaral kahit minsan ay wala namang katotohanan, at sa kalakuyan ay bumababa ang kalidad ng edukasyon sa unibersidad.
Labels: sentenaryo, UP
*** random thougths @
1:14 AM
Monday, January 07, 2008
i decided to resurrect this blogger account. it's not that i got tired of multiply (maybe) but only a few know this account - that this is "moi". so i guess i'm more free to make fun of other people.haha.
sobering up. why? my daily life for the past three years involved alcohol- lots of it. i've been to a lot of places because of the desire to socialize or to forget everything for a while at times.
though lately, i haven't been drinking much. maybe because my friends aren't around anymore.or i got tired of gulping booze.
so what will i write in this blog?
i actually don't have any idea.haha
until next time.....
cheers!
Labels: booze, friends
*** random thougths @
2:40 PM