CHEERS

the (mis)adventures of a then alcoholic

THE (then) ALCOHOLIC

alcoholism refers to any condition that results in the continued consumption of alcoholic beverages despite the health problems and negative social consequences it causes.

THE DRUNKARDS

tashana + idol unkyel batjay + zinzi-tet + roan + miss ynseng +

NATURAL HIGH

multi-fly + Luis Teodoro + Gil Nartea + Howie Severino + Ellen Tordesillas + link + link + link +

ARCHIVES

August 2004
September 2004
October 2004
November 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
January 2006
February 2006
March 2006
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008

PREVIOUS POSTS

just let me smile...**
*grin*
mangarap ka!
hahaha...lalala....
weekend blast!!
insomia
3:16am
hindi ito dapat!
modern day Magdalene
ang pamilya kong baliw

CHITCHAT


ETCETERA

anything here

THANKS

[ Fonts (c) DF]
[ Layout designed by fern*]

Sunday, September 04, 2005

....

kinakabahan ako habang hinahanap ka sa friends' list ng kaibigan ko na orgmate mo.hindi ko alam kung nandun ka.umaasa ako na sana.....habang pababa ang iskrol ay bumibilis ang tibok ng aking pulso.at ayun,nakita na kita.

hindi ko alam kung matutuwa ako o masasaktan..."in a relationship" status, deym!!pero sabi nung kaibigan ko, wala ka daw gelpren.hindi ko alam kung alin ang paniniwalaan ko.
simula nung makilala kita,kakaibang liwanag ang idinulot mo sa kadiliman ng pagkatao ko.lagi na akong nakangiti at hinihila ang mga araw upang maging second sem na.syet!!kumusta naman ako diba?

minsan lang akong makakita ng isang lalaking tulad mo.bitbit ang mga katangiang nais ko:
matangkad,moreno,mabait,matalino,sporty at higit sa lahat relihiyoso. subalit hindi ko alam kung dapat kong ikagalak ang huli at pinakamagiting mong katangian.may balak ka palang tunguhin ang seminaryo matapos ang kolehiyo.napapangiti mo ako sa araw-araw subalit hindi siguro maglalaon ay may bahid na ng pait ang aking mga labi.ngiting pilit na magkukubli sa hindi maipaliwanag na damdamin.

mahal ko ang Diyos ko...kung nasa plano talaga Niya na pagsilbihan mo ang Kanyang mga nilikha para sa Kanyang kadakilaan, hindi ako magiging hadlang...mahirap man ang paglimot ay aking kakayanin.ayokong ikaw ang maging dahilan upang tuluyan kong kalimutan ang tamis na hatid ng pagmamahal.